Muling nagpatupad ng Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel

September 13, 2021 Jun I. Legaspi 225 views

MULING nagpatupad ng “Libreng Sakay” sa EDSA Bus Carousel, Monday, (September 13, 2021).

Ang muling paglulusad ng libreng sakay program bahagi ng Phase 2 ng service contracting program ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTRB) na inapproban noong Biyernes, (September 10, 2021), upang tulungan ang mga commuters pangunahin na ang mga ordinary workers.

Ikinagalak ng mga ordinary workers ang muling paglulunsad ng libreng sakay sa EDSA Carousel lalo na yung mga construction workers na bumibiyahe araw-araw sa stretch ng EDSA papasok at pauwi ng bahay.

Ayon sa mga ordinary workers napakaling tulong sa kanila ang pagbabalik ng libreng pamasahe.

“Napakalaking tipid nito sa aming,” saad ng mga ordinary workers.

Ayon sa record naglalaro sa P13 hanggang P61 pesos ang one way fare sa EDSA Carousel.

Tulad ng dati mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga safety protocols, No face shield no face mask no ride policy pa rin, at 50 percent capacity pa rin sa bawat mga bus.

AUTHOR PROFILE