Lala

MTRCB chief Lala, umani ng batikos sa Vice-Ion issue … Joey at Tito Sen, dawit sa galit ng netizens

July 31, 2023 Vinia Vivar 269 views

ViceAs of presstime, katakut-takot na batikos ang natatanggap ni MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) chairperson Lala Sotto mula sa mga netizen.

Ito ay matapos maglabas ng official statement ang MTRCB na nagsasaad na ipinapatawag nila ang GMA-7, producer ng It’s Showtime, para magpaliwanag hinggil sa “Isip-Bata” segment ng show na umere noong July 25, kung saan ay nagpakita diumano ng “indecent acts” sina Vice Ganda at Ion Perez.

May mga nagkomentong netizen na wala silang makitang malaswa sa mga ginawa nina Vice at Ion.

May mga komento ring biased umano si Lala dahil kalaban ng It’s Showtime ang E.A.T. kung saan isa sa hosts ang ama niya na si Tito Sotto.

“IMMORAL AGAD? San banda? I think MTRCB is over reacting to this instance where they’re using section 3 of PD 1986. To even SET A HEARING? A HEARING??? (Video credit to ABS-CBN) MTRCB Chair Lala Sotto is the daughter of Tito Sotto III, host of the competing show, E.A.T.” komento ng content creator/blogger na si Rod Magaru.

“Conflict of interest? The Board of Censors is headed by Lala Sotto. This is the video that is now viral, I don’t think there is anything wrong or obscene in what they did in my view,” komento ng isa pang netizen.

Ang iba naman ay kinuwestiyon si Chair Lala kung bakit hindi ipinatawag ang E.A.T. sa episode kung naghalikan din sa ere ang mga magulang niyang sina Tito Sen at Helen Gamboa.

“I seldim tweet but this time it obvious that mtrcb lala sotto trying to damage reputation of showtime posing a threat to her father’s show. I do not see any malice w/ the actuatiins of vice and ion but ung tatay at nanay niya naghalikan w/ malice sa show before i saw the clip,” tweet ng isa pang social media user.

“Bilang #LegitDabarkads, wala akong nakikitang mali rito sa eksena nila Vice. Ang sweet pa nga eh! And yes, bilang #LegitDabarkads din, hindi rin ako agree sa mga wala sa lugar na hirit ni Joey de Leon,” sey naman ng isa pang netizen.

Tweet naman ng isa pa, “Ganito lang yan, MTRCB. Lala Sotto should resign.”

Pero meron din namang pabor sa kanyang ginawa tulad na lamang ng komentong ito: “Yong head ng MTRCB is a Sotto. Alam na. Anyway, ok na rin yang issue na yan para tigil-tigilan ni Vice Ganda yang ganyang antics. Hindi naman yan nakakatulong sa show. Mag-isip sila ng magandang gimmick, wag yang sweet-sweetan. Gamitin ang audience.”

“This is a very good move Movie and Television Review and Classification Board. kudos to Madam Chair and all the members,” papuri naman ng isang Facebook user.

AUTHOR PROFILE