MRT mgmt. sa mga pasahero:: Sorry po
HUMINGI ng apology sa mga pasaherong naapektuhan ang leadership ng Metro Rail Transit (MRT) matapos magkaroon ng aberya at maantala ang biyahe nito, Martes.
Sa opisyal na pahayag ng Department of Transportation, dakong 1:55 mg hapon ng makatanggap ng report ang Control Center kaugnay sa abnormal status ng signaling server ang North Avenue station.
Bilang protocol sa safety precautionary measure lahat ng trains malapit sa station ay pansamantalang pinahinto, agad namang inasikaso ng mga technical personnel troubleshooter ng agency ang isyu.
Ayon sa pamunuan walang train movement 2:05 p.m hanggang 2:35 p.m.
Saktong 2:35 p.m ng bumalik sa normal ang signling server, gayungdin muling bumalik sa normal operations ang MRT.