MRT

MRT-3 tigil operasyon sa Cuaresma

April 4, 2022 Jun I. Legaspi 166 views

PANSAMANTALANG tigil muna ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) mula Holy Wednesday, Abril 13, hanggang Easter Sunday, Abril 17, 2022, ayon sa kanilang management.

Nangangahulugan ito na walang biyahe ang lahat ng mga tren ng MRT-3 – sa lahat ng mga estasyon ng tren.

Ayon sa MRT-3 management, ito rin ang panahon para isagawa ang annual preventive maintenance sa naturang railway.

Babalik ang normal na operasyon sa Abril 18, 2022, Lunes, saad ng management.

Samantala, naitala nitong nakaraang Biyernes ang bilang ng pasahero na umabot halos sa mahigit 300,000 o 309,225 – pinakamalaking naitala ngayong taon.

Sa record ng Department of Transportation (DOTr), umabot sa 1.9 million na ang nabigyan ng serbisyo ng “Libreng Sakay Program” mula Marso 28 hanggang Abril 3, 2022.

AUTHOR PROFILE