Default Thumbnail

MRT-3 libreng sakay sa National Women’s Day

March 7, 2022 Jun I. Legaspi 419 views

MAGANDANG balita may libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero nito ang pamunuan ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) sa Marso 8, 2022, bilang pagkikiisa ng linya sa selebrasyon ng National Women’s Day.

Libre ang pamasahe ng mga babaeng pasaherong sasakay magmula ika-7 hanggang ika-9 ng umaga, at magmula ika-5 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi sa “Araw ng mga Kababaihan.”

Ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge, General Manager Asec. Eymard D. Eje, ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay pagkilala sa kanilang natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan.

“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino.

Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw,” ani Asec. Eje.

AUTHOR PROFILE