Mr.M

Mr. M, papasok sa ‘All-Out Sundays’

July 14, 2021 People's Tonight 440 views

IN full force ang GMA executives, led by Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, sa pag-welcome kay Johnny Manahan sa Kapuso Network.

Ayon kay Manahan, malawak ang scope ng responsibilidad niya ngayong consultant na siya sa GMA Artist Center at sa entertainment shows.

Isa nga sa assignments niya, base sa sinabi niya sa kanyang virtual mediacon, ay ang isang musical variety show kung puwede pang ma-improve.

Hindi man niya sinabi kung anong show ito, ang hula ng marami, ito ay ang All-Out Sundays.

UGE, SINORPRESA SI POKWANG

PokwangSINORPRESA ni Eugene Domingo si Pokwang habang nasa taping ng weekly program ng una sa GMA na Dear Uge nitong nakaraang mga araw.

May dalang bouquet of flowers si Uge na ibinigay sa kaibigang komedyante.

Unang salang ni Pokie sa Dear Uge kaya naman kuwela ang guesting niya sa episode.

RIGODON NG TIMESLOT

NAG-RIGODON na naman ang weekly show ng broadcast journalist na si Kara David na Pinas-Sarap.

Sa TV plug ng GMA News TV, tuwing Sabado na nang hapon ito mapapanood. Mula sa gabi, inilipat ang programa sa early evening timeslot.

Third time na ang paglipat ng araw at oras ng Pinas-Sarap. Sa totoo lang, may ibang shows sa GNTV na nag-iba na rin ang oras at araw ang telecast.

Mabuti na lang, marami pa ring commercials ang mga show na iniba ang araw at oras ng telecast, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE