Dantes

Mr. M, kasama sa Father’s Day greeting ni Piolo … Lloydie at Elias, magkasamang nag-celebrate

June 20, 2021 Vinia Vivar 454 views

JlceliasKanya-kanyang pagbati ang celebrities kahapon sa pagdiriwang ng Father’s Day para sa kani-kanilang ama at mister.

Sa pamamagitan ng kanilang social media accounts ay ipinarating nila ang kanilang pagmamahal sa natatanging araw na ito ng mga tatay.

Isa nga sa tumawag sa amin ng pansin ay ang madamdaming pagbati ni Piolo Pascual sa kanyang mentor na si Johnny Manahan (Mr. M), former head ng Star Magic at itinuturing na ng aktor na kanyang pangalawang ama.

“Today I celebrate my Dad, Mr. M… Through all the ups and downs in my showbiz career, he has always been my anchor… from the time I started doing workshops when I was a teenager, until I was launched as part of Star Circle back in ‘96…

“Mr M personally attended to all our needs and made sure we were equipped before he sent us out to reach for our dreams… I’ve said it before and I’m reminded of how my Dad has always been consistent and constant in every choice I had to make… there was always room for talks, sometimes scolding (which was for my good)…

“He’s not just a manager but more like a Father to most of us… I don’t think I’d have done things in my career without his help and guidance… 25 years of star magic… 25 years of security… family, siblings and all…

“Dad, thank you very much for your unconditional love and for being a true dad to me… I’ll never have it any other way… as we both say, we never stop being better not just at what we do, but ultimately being better people… you have my utmost respect and love Dad. I love you and I miss you very much… Happy Father’s Day can’t wait to see us grinding again…,” ang mahabang post ni Piolo at sa dulo ay nilagyan pa niya ng hashtag na #MrMforNationalArtist.

Hindi rin nakalimot si Daniel Padilla na batiin ang amang si Rommel Padilla sa kanyang Instagram.

Nag-post ng ilang larawan at video si DJ ng kanyang ama at simpleng caption niya, “Happy Father’s Day Papa!”

Binati rin ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes.

“Happy Father’s Day to the man who never ceases to amaze me day by day! Thank you Mahal for everything that you do for me and to our family. We love you sooooooo much!” ang mensahe ng aktres.

Maging si Vilma Santos ay binati ang mister na si Sen. Ralph Recto, gayundin si Sharon Cuneta sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan.

Bongga rin ang mensahe ni KC Concepcion sa amang si Gabby Concepcion. Aniya, “PAPA My first love. My first heartbreak. And yet, one of my best friends!!! ??I love you… Happy Father’s Day!”
Si John Lloyd Cruz naman ay nag-post ng larawan na pasan-pasan niya ang kanyang anak na si Elias. Mukhang magkasama sila kahapon sa pagdiriwang ng Father’s Day at may netizen ngang nag-comment na nasa Boracay daw ang mag-ama.

AUTHOR PROFILE