Mr. M babalik ng GMA?

June 10, 2021 Aster Amoyo 975 views

MAUGONG ang balita na papasok umano sa bakuran ng GMA ang longtime partners na sina Johnny Manahan or Mr. M at Mariole Alberto pero hindi pa ito kinukumpirma ng magkabilang panig.

Although very much identified sina Mr. M at Mariole sa Star Magic ng ABS-CBN which was co-founded ng dating pangulo ng ABS-CBN na si Freddie Garcia at ni Johnny Manahan, ang dalawa ay hindi na baguhan sa Kapuso Network kung saan din naging top executive si Freddie bago ito bumalik sa Kapamilya network.

Si Mr. M ay naging director ng programang “Two For the Road,” isang late night talk show hosted by his late mother, the society and fashion icon na si Elvira Manahan na nagkaroon ng tatlong magkakaibang co-host na sina Joey Lardizabal, and the late Eddie Mercado and Nestor Torre. He also directed another late night show sa GMA, ang “Late Hour with June & Johnny” hosted by June Keithley and Johnny Litton.

Si Mariole naman ay matagal naging EP (executive producer) ng “The Penthouse Live” ng GMA kung saan nabuo ang loveteam at love affair ng estranged couple na ngayon na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.

Kung totoo ang balita na lilipat ng GMA ang mag-partner na Johnny M. at Mariole ay malaki ang maitutulong ng dalawa hindi lamang in terms of programming kundi pati na sa talent management and development ng mga in-house and future talents ng Kapuso network.

For the longest time, si Mr. M. ang namuno ng Star Magic (formerly Talent Center) ng ABS-CBN since 1992 na pinagmulan ng napakaraming major and well-known talents now tulad nina Piolo Pascual, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Maja Salvador, Jericho Rosales, Diether Ocampo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Enrique Gil at napakarami pang iba.

When Mr. M. retired, his longtime partner Mariole Alberto took over his place bilang head ng Star Magic pero nang mawalan ng prangkisa ang Kapamilya Network, nag-resign si Mariole nung September 2020 na effective nung December 31, 2020. Ang entertainment production head at director na si Laurenti Dyogi took over the place of Mariole sa Star Magic.

Mr. M moved to directing Brightlight Productions’ produced TV shows on TV5, ang “Sunday Noontime Live” hosted by Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray and Jake Ejercito pero ang nasabing programa na naging katapat ng “ASAP Natin `To” kung saan si Mr. M dati ang director for the longest time ay tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan.

Kapag natuloy sina Mr. M at Mariole to join GMA, tiyak na magkakaroon ng changes sa entertainment programs ng nasabing TV network laluna ang kanilang Sunday musical variety show na “All Out Sundays”. Ang Sunday musical show ng GMA ay maraming beses nang nag-reformat at napalitan ng titulo mula “SOP” na pinagmulan ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na pareho nang bahagi ngayon ng “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN. Ang iba pang Sunday noontime show ng GMA include “Party Pilipinas,” “Sunday All Stars” at “Sunday PinaSaya” hanggang sa “All Out Sundays.”

Kung totoo rin ang balitang mapapabilang sa Kapuso network sina John Lloyd at Bea Alonzo, tiyak na magiging posible ang balik-tambalan ng dalawa hindi lamang sa pamamagitan ng isang teleserye kundi maging sa pelikula under GMA Pictures.

Kung maraming talents ang lumipat sa Kapamilya Network na ang pinakabago ay sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, marami-rami na ring dating ABS-CBN talents ang nasa kuwadra na ngayon ng GMA including Derek Ramsay na ang karera ay nagsimula sa ABS-CBN bago ito lumipat ng TV5 then sa GMA.

Nasa GMA na rin ang dating mga Kapamilya talents tulad nina Rayver Cruz, Khalil Ramos, Jayson Abalos, Kiray Celis, Paul Salas, John Estrada, Kisses Delavin, Myrtle Sarrosa , Camille Prats , Jon Lucas at iba pa.

Mr. M’s career at ABS-CBN lasted for almost four decades bago siya nag-resign sa Lopez-owned company.

Efren bagong Viva contract star

ANG veteran actor, writer at director na si Efren Reyes at ang teen-actress at commercial model na si Yuki Melendres ang pinakabagong karagdagan sa roster of artists/talents ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus with her dad, Boss Vic del Rosario, Jr. as chairman-CEO ng Viva Communications Group of Companies.

Si Efren ay anak ng yumaong actor, director, writer at film producer na si Efren Reyes, Sr. at ng yumaong actress at movie producer na si Virginia Montes. Pamangkin din siya ng actress na si Tessie Quintana who died of cancer at age 38 nung 1969. Siya’y apo ni Pedrito Reyes at great grandson ng playwright na si Severino Reyes, ang tinaguriang Father of Sarzuela at may likha ng “Lola Basyang”.

Si Efren Reyes, Jr. ay nagsimula bilang child actor sa pelikulang “Eskinita 29” in 1968 hanggang sa siya’y maging isang seasoned actor.

Tulad ng kanyang amang si Efren Reyes, Sr., si Efren Reyes, Jr. ay naging actor, writer at director.

Efren wrote and directed “Sa Iyo ang Itaas Sa Akin ang Ibaba ng Bahay” in 1997. Siya rin ang nagsulat ng action movies na “Tatapatan Ko Ang Lakas Mo’ in 1999 at ang “Pasasabugin Ko ang Mundo Mo” in 2000 na parehong pinagbidahan ng action star-turned politician na si Lito Lapid.

Although sinundan ni Efren ang pagiging action star ng kanyang ama, mas nakilala ang actor sa mga villain role kung saan ito in-demand hanggang ngayon.

Kahit ini-enjoy ni Efren ang kanyang acting career, mas gusto rin niyang maging aktibo sa pagsusulat at pagdidirek na isa sa kanyang mga passion.

Yuki nangangarap na sumikat

TULAD ng ibang young talents, nangangarap din ang teen actress and commercial model na si Yuki Melendres na makilala balang araw. Nagkaroon na rin siya ng maraming exposure sa telebisyon (bit roles) at maging sa iba’t ibang TV commercial.

Si Yuki (which means snow) ay palayaw ni Gisele Concepcion Okubo. Filipina ang kanyang ina na si Girlie Melendres Concepcion at Brazilian-Japanese naman ang kanyang ama. Siya’y isinilang sa Gifu, Japan nung kasagsagan ng winter snow in Japan kaya Yuki ang naging palayaw niya. Four years old naman si Yuki nang mag-desisyon ang kanyang inang bumalik ng Pilipinas kaya dito na siya lumaki.

Si Yuki ay kasama sa cast ng balik-tambalan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pelikulang “Deception” na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Ito’ joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and his business partners.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE