MPD Kinilala ni MPD Chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang mga naarestong suspek na nagbebenta ng iba’t-ibang ipinagbabawal na gamot sa Tondo, Manila habang pinuri naman ni NCRPO Chief P/BGen. Anthony Aberin ang mga pulis sa mapayang operation laban sa ilegal na droga.

MPD11 nasabat P2.7M droga mula 2 ‘tulak’ sa Tondo buy-bust

November 30, 2024 Jonjon Reyes 89 views

MPD1NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1 ang iba’t-ibang droga na nagkakahalaga ng mahigit P2.7 milyon sa dalawang hinihinalang tulak sa buy-bust sa Maharlika St. at Herbosa St., Tondo, Manila noong Biyernes.

Narekober mula kina alyas Yang, 21, at alyas DJ, 41, ang sangkaterbang ecstasy, cocaine at marijuana.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Melvin Florida, station commander, bandang alas-7:30 ng gabi nahuli ang dalawa ng poseur-buyer na si Patrolman Francis Stephen Jhon Torres gamit ang P1,000 marked money.

Nakabili ang poseur-buyer ng 50 hinihinalang ecstasy bukod pa sa 5 sachets na hinihinalang cocaine at dalawang sachets ng pinatuyong dahon at fruiting tops na hinihinalang marijuana.

Nakitaan din ang mga suspek ng 4 na disposable vape na naglalaman ng marijuana oil.

Umaabot sa 1,631 piraso ng illegal na droga ang nakuha sa dalawa na may halagang mahigit P2.77 milyon.

Ang cocaine na tumitimbang ng 45 na gramo may halagang P238,500.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article II Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022).

AUTHOR PROFILE