MPD: Walang pisikal na misa sa Black Nazarene Feast

January 6, 2022 Jonjon Reyes 210 views

MARIING pinahayag ng pamunuan ng Manila Police District at ng simbahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila na walang magagananap na pisikal na misa sa kapistahan bunsod na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID.

Isinara na ng pulisya ang Plaza Miranda at mga kalsada na daraanan papunta sa Simbahan ng Quiapo upang mapigilang makalapit ang mga deboto.

“Hindi, talaga puwede at kapag nagpumilit sila ang mga ( deboto) ay talagang magkakagulo na kami,” sabi ni PLt Col John Guiagui ,station commander ng MPD-Police Station 3.

Maglalagay na rin ng mga barriers at lubid sa paligid ng simbahan. Pinaalis din muna ang mga vendor na nagtitinda sa paligid ng Simbahan ng Quiapo.

Sinabi pa ni Guiagui na hindi sila titigil kahit abutin ng magdamag ang pagbabantay ng mga itatalagang pulis sa Simbahan ng Quiapo para walang makalapit na deboto.

Ito ay ayon din sa direktiba ni MPD Director Police Brigadier General Leo ” Paco” Francisco. Jon-Jon Reyes at C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE