Dizon Pinangunahan ni MPD Chief Andre P. Dizon ang isinagawang send off sa mga kapulisan na ginanap sa Plaza Hernandez sa tapat ng Sto. Niño de Tondo at pagbasbas sa mga kapulisan na siyang magbabantay para sa seguridad ng mga piyesta sa Tondo at Pandacan sa Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD tiniyak ang seguridad para sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, Pandacan

January 14, 2023 Jonjon Reyes 1148 views

Dizon1

ANG buong puwersa ng Manila Police District (MPD), mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), mga tauhan ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) at mga pribadong grupo ng bikers sa Divisoria ang magbabantay sa kabuuang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan.

Nauna nang pinagtipon ang iba’t-ibang tauhan ng 14 na istasyon ng MPD na ginanap ang seremonya sa harap ng Katolikong simbahan ng Tondo.

Pasado alas 4:00 ng hapon ng Biyernes ay mismong si MPD Director Police Brigadier Gen. Andre Perez Dizon ang nanguna sa seremonya kasama ng kanyang mga staff na sina P/Col. Raul Tacaca DDA, P/Col. Julius Ordoño CDDS, P/Col. Igmedio Bernaldez D4, at P/Col. Julius Añonuevo ng Force Commander DMFB (District Mobile Force Battalion) ng MPD.

Ayon sa tinaguriang “Game Changer” MPd director, nagpahayag ito na huwag kaligtaan ang iniatang sa kanilang tungkulin at kung kailangan umano ay bigyan lamang ng warning ang mga hindi sumusunod at kung magpapatuloy pa ang mga indibidwal na manggugulo o mag-iinuman sa kalye ay maaari na nila itong arestuhin.

Ayon kay Dizon, dapat pairalin ang “maximum tolerance” ng mga pulis-Maynila.

Aniya, dapat pag-ibayuhin ang seguridad tulad ng kakatapos lamang na pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo na naging mapayapa at nairaos ng matiwasay ang pagdiriwang.

Inaasahan ng MPD director na magiging tagumpay ang kanilang plano na kung saan pansamantalang walang mag-iinuman ng alak sa mga kalsada alinsunod sa liquor ban at pagbabawal ng pagdadala ng armas dulot ng “gun ban.”

Naging host sa pagpupulong si P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD Moriones Police Station (PS) 2 kasama ang kanyang mga kapulisan at mga PCP (police community precinct) commanders sa nasabing seremonya.

Kabilang sa dumalo sina P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. ng PS 1, P/Lt. Col. Jonathan Villamor ng PS 7 na sumasakop sa kapistahan sa Tondo.

Kasama rin sina P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr. ng PS 6, P/Lt. Col. Dionnelle Brannon ng PS 8, P/Lt. Col. Salvador Tangdol ng PS 9 at ang commander ng Pandacan PS 10 na sumasakop sa Kapistahan ng Sto. Niño de Pandacan.

Binasbasan ang mga kapulisan at mga miyembro ng pampribadong sektor ng Parish Priest na si Fr. Casas ng Tondo Church.

AUTHOR PROFILE