
MPD, SWAT na Wow Mali sa kahon na may patay na aso
WOW Mali.
NAGKAROON ng bahagyang pagbagal ng daloy ng trapiko at tensiyon kaugnay ng kahinahinalang kahon sa Ayala Bridge malapit sa corner ng Romualdez St., Ermita, Manila noong Huwebes na patay na aso at mga lumang damit lang pala ang laman.
Naka-full battle gear pa ang mga nagrespondeng tauhan ng Manila Police District (MPD), Explosive Ordnance Division at Special Weapons and Tactics (SWAT) ng MPD pasado ala-1:30 ng hapon.
Sa sniffing dog pa lang negative na dahil na hindi ito umupo kaya binuksan na ang kahon.
Nang buksan ang naka selyadong kahon, tumambad ang laman na mga damit at patay na aso.