MPD Station 7 umani ng parangal bilang ‘Best Staton of the Year’

August 24, 2022 Jonjon Reyes 854 views

PINARANGALAN ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang himpilan ng MPD Station 7 sa Jose Abad Santos sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Robert Domingo bilang “Best Station of the Year”.

Personal naman na ibinigay ni Acting Regional Director, NCRPO P/Brig. Gen. Jonnel C. Estomo ang isang “plaque of recognition” kay Domingo bilang pagkilala sa kanilang parangal bilang mahusay na himpilan ng pulisya at iniligay naman ni Dizon ang isang sagisag sa kanilang bandila mula sa MPD Station 7 bilang bahagi ng pagpupugay.

Ginanap ang seremonya sa matapos ipagdiwang ang 121st Police Service Anniversary na ginanap sa MPD Headquarters sa U.N. Ave., Ermita, Maynila nitong Martes, Agosto 23, 2022.

AUTHOR PROFILE