Marijuana Pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng P354,000 ang nasakote ng mga kapulisan ng MPD Station 2 sa pamumuno ni PLT. Col. Magno Gallora Jr. mula sa suspek na si Judem Alleck Padillan sa isinagawang Oplan Sota sa kahabaan ng Claro M. Recto saAsuncion St,.Tondo,Manila. Kuha ni JON-JON REYES

MPD Station 2 nasakote MJ sa loob ng speaker

October 20, 2021 Francis Naguit 405 views

TINATAYANG aabot sa halagang P354,000 ang nasakoteng pitong bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana ng mga operatiba ng Manila Police District Station.2 makaraang masita sa Tondo, Manila, hapon nitong Martes.

Nakilala ang suspek na si Judem Alleck Padillan, residente ng 358 CM Recto, Brgy. 14, Tondo.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Magno Gallora Jr., Commander ng MPD – Station 2 ,bandang 2 p.m. habang nagsasagawa ng” Oplan Sita ” ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Claro M Recto Avenue at Asuncion St., sakop ng Tondo , nang mamataan ang kakaibang kinikilos ang isang lalaki na tila balisa na parang may itinatago sa kanyang dinadalang bagay .

Dahil dito nagduda ang mga operatiba at agad itong sinita ang suspek na may dalang kahon.

Sinabi ng suspek na speaker ang kanyang dala.

Nakita dito ang limang MP 3/wireless speakers kung saan nang buksan ito ng mga pulis, nasa pitong bloke ng marijuana ang laman na nakabalot ng plastic.

Napag-alaman sa report ng pulisya na umaabot halos tatlong kilo ang bigat ng nasabing iligal na droga na nagkakahalaga ng P354,000.

Agad namang inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng MPD Station 2 ito dinala.

Ayon naman kay PLT Col. Gallora Jr.,lalo nilang hihigpitan ang pagsasagawa ng Oplan Checkpoint/Oplan Sita sa mga motorista upang masigurong walang makakapasok na illegal na kontrabando sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi naman ni MPD Director PBGen.Leo M.Francisco na ipagpatuloy at wag tumigil sa pag papatupad ng batas at kung kinakailangan mag-sagawa din ng mga foot patrol o buddy buddy system ang kanyang mga kapulisan sa mga kalye ay kanila itong ipapairal upang masiguro ang seguridad ng mga mamamayan ng Lungsod,.

Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE