MPD Nagbigay ng pahayag si P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 2 sa mga punong guro at mga magulang kaugnay sa programang pagbibigay ng cash assistance para sa mga batang kabilang sa mahihirap na pamilya at nag-aaral sa Isabelo Delos Reyes Elementary School sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD Station 2 magbibigay ng cash assistance

September 1, 2022 Jonjon Reyes 512 views

Para sa mga mahihirap na estudyante ng Isabelo Delos Reyes ES

NAGPAHAYAG ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station 2 na naglunsad ito ng programang “Poorest of the Poor” para sa mga estudyante ng Isabelo Delos Reyes Elementary School (ES) sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll , MPD Station 2 station commander, umaga nitong Setyembre 1, kaakibat si Eleodora B. Vergara, punong guro ng Isabelo Delos Reyes ES, kasama ang mga block commander ng Police Community Precinct (PCP), chairman ng District Advisory Group na pinangunahan ni Chairman Edwin Fan, mga miyembro ng district and station advisory council na pinangunahan ni P/Lt. Henry S. Mariano ng Station Committee Affairs and Development (SCAD).

Bukod pa sa financial assistance na P500 kada buwan, magbibigay din ang mga pulis-Maynila ng mga bag at gamit pang-eskuwela.

Pawang mga mag-aaral na kabilang lamang sa mahihirap na pamilya lang ang pipillin sa monthly allowance ayon kay Lorenzo.

Ang programa ay batay na rin sa direktiba ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na inayudahan nina NCRPO Chief Jonnel Estomo, at MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

Nakabatay rin ito sa kanilang ” Seen, Appreciated, Felt and doing Extraordinary” (SAFE) at maging ang “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (MKK = K, o Compassion, Order, Peace toward Progress) ni Azurin.

AUTHOR PROFILE