Tubera SALAMAT, PEOPLE’S TONIGHT – Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Police Senior Master Surgent Gerardo “Jerry” Tubera, commander ng Dagupan Outpost MPD Station 2 sa suporta ng Peoples Journal Tonight sa mga activities sa kanilang area of responsibility sa Juan Luna, Dagupan Sts., Divisoria, Tondo Manila. Kuha ni JON-JON REYES

MPD Station 2 Dagupan Outpost nagpasalamat sa People’s Tonight

September 30, 2021 People's Tonight 264 views

PERSONAL na nagpaabot ng pasasalamat si Police Senior Master Surgent Gerardo “Jerry” Tubera, commander ng Dagupan Outpost MPD Station 2, sa naging suporta ng Peoples Journal Tonight sa kanilang mga clearing at patrolling operations sa kanilang areas of responsibility sa Juan Luna,Dagupan Sts., Divisoria, Tondo, Manila.

“Walang tigil po sa paglilinis ang ating mga manininda mula sa Divisoria Night Market. Ito ay bilang pagtugon sa ating adbokasiya na gawing malinis, maaliwalas at ligtas ang Lungsod ng Maynila,” ayon kay Tubera.

“Sinusunod din po ng mga manininda ng Divisoria Night Market ang “proper waste management” o tamang pagtatapon ng basura. Kasama po ang Moriones Tondo Police Station sa pamumuno ni Lt. Col. Magno Gallora, Jr., at ng inyong lingkod Dagupan Outpost na si PSMS Gerardo Tubera, ay inasistehan ang kanilang mga kapulisan sa ating lungsod sa nasabing cleaning at Flashing operation,” dagdag pa ni Tubera.

Sinabi rin ni Tubera na patuloy ang kapulisan sa pag-iikot sa areas of responsibility bilang pagpapatupad ng Oplan Bandillo at sa strict implementation ng IATF health protocols.

Ito ay isinagawa ng mga elemento ng outpost sa ilalim ng pangangasiwa ni Tubera at sa patuloy na pamumuno ng PLt. Col. Magno L. Gallora, Jr., station commander ng Moriones Tondo MPD Stn.2 sa P. Rada Market Tondo.

Noong Sept. 28 ay nagdiwang si Tubera ng kanyang kaarawan kung saan siya ay nagsagawa ng feeding program sa Brgy. 9 sa ilalim ng Barangayanihan program.

Nagpakain sila ng mga bata at matatanda sa nasabing lugar.

Nag-paabot naman ng pagbati ang pamilya ni Tubera na sina Annie Tubera, kanyang maybahay at mga anak na sina Joseph Paul, James Andrea at Julien Raema.

Magingg si Manila Mayor Francisco Isko Moreno ay bumati rin sa kanyang pinagkakatiwalaan ng mahigit sa 20 taon ng police bodyguard.

AUTHOR PROFILE