MPD Nagsagawa ng medical mission at feeding program ang pamunuan ng Manila Police District Scene Of Crime Operatives (MPD SOCO) sa may mahigit 600 residente ng Intramuros, Maynila sa pamumuno nina P/Lt. Col. Joselito S.Savares, hepe ng MPDFU at P/Lt. Col. Allan Micheal Santos, MD ng PNP MPD. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD SOCO naghandog ng libreng medical, feeding program sa Intramuros

April 2, 2022 Jonjon Reyes 377 views

KAMAKAILAN ay nagtaguyod ng isang medical mission at feeding program ang Manila Police District Scene Of Crime Operatives (MPD SOCO) para sa mga residente ng Intramuros, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Joselito S. Savares, hepe ng MPDFU, pinangunahan nito ang pagsasagawa ng mga aktibidad gaya ng libreng konsultasyong medikal, gamot, mga bitamina atbp – at pagbibigay ng masustansiyang pagkain sa mahigit na 600 na residente na ginanap ng 8:00 ng umaga, Marso 26, 2022, sa Bgy. 655 Zone 69, Intramuros sa pakikipag-unayan din kay Bgy. Chairman Johnny Yacub.

Nagkaroon din ng libreng pagkain at pagbibigay ng mga laruan sa mga bata kasabay ng kanilang medical checkup na pinangunahan naman ni P/Lt. Col. Allan Micheal Santos, MD (Doctor of Medicine) ng PNP MPD kasama sina M.D. P/Maj. Mesalyn Milagros Ripa Probadora, NUP Mirilyn Ocol, PCpl. Jaysie Jose Cuaresma, at PCpl. Jeff Paul Cabral Villanueva.

Gumabay din sina P/Maj. Liz Ann Sucgang, P/Cpt. Gloria Cortes, at Pat. Joelyn Aquino sa feeding program sa mga residente. samantala sina P/Maj. Liza O.Ang, PSSg. May Lachica, PSSg. Ranzel John Baltazar Reyes, at PCpl. Adwin Borbon ay sa pamamahagi naman ng mga bitamina at gamot.

Katulong naman ni PEMS Arnold Repalda, PEMS Ronaldo Samson, at mga opisyales, miyembro ng MPDFU Advisory Council sa pangunguna ni Ma. Corazon Rodriguez at Rev. Sigred Arellano – Parish Priest of Minor Basilica, at Media Advisory na si Jon-jon Reyes ng pahayagang People’s Journal Tonight sa pamamahagi ng food packs at mga laruang pambata.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Intramuros sa ginawang programa ng Manila Police Forensic Unit-SOCO, dahil ang pagkakaalam nila ay ang trabaho ng SOCO ay para mag-imbestiga sa mga naganap na krimen ngunit tungkulin din nila magbigay serbisyo sa mamamayan lalo na sa maralitang taga-Maynila particular sa Intramuros.

Isang “saludo” at pagbati naman ang iginawad ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco sa kawanggawa ng mga operatiba ng MPD SOCO. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE