MPD Personal na nagtungo si PLT. Col. Magno Gallora Jr., Commander ng Manila Police District Police (MPD) Station 11 sa Binondo, Manila, sa pamunuan ng FFCCCII upang makipag-dayalogo kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year kasama sina V.P Victor Lim at External Affairs Committee Chairman CEO PGFLEX Nelson Guevarra na SAC Chairman rin ng MPD Stn 11. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD siniguro ang maayos na Chinese New Year celebration

January 25, 2022 Jonjon Reyes 145 views

PERSONAL na nagtungo sa pamunuan ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce Industry, Inc. (FCCCII) si PLT. Col. Magno Gallora Jr., Commander ng Manila Police District Police (MPD) Station 11 sa Binondo, Manila para sa isang dayalogo kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ipinaalam nito ang kanilang mga gagawing pagbabantay at pagpapatrolya sa area ng Binondo para sa seguridad ng mga Chinoy at Pinoy habang ipinagdiriwang ang Chinese Lunar New Year sa pulong kasama ang mga opisyales ng FCCCII.

Pinangunahan naman ni FFCCCII External Affairs Committee Chairman at CEO PGFLEX Nelson Guevarra na siya ring chairman ng Station Advisory Council ng MPD Stn. 11 sa pakikiharap sa mga kapulisan ng Binondo.

Kabilang din sina FFCCCII Pres. Henry Lim Bon Liong, secretary general Dr. Fernando Gan, V.P. Victor Lim, committee member chairman Jefferson Lau, at chairman Richmond Liu sa nasabing dayalogo.

Kamakailan ay kinansela ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng aktibidad sa pagdiriwang ng Chinese New Year uapang maiwasan ang pagdami ng bilang ng kaso ng Omicron at Delta variants ng COVID-19.

Ngunit maaari pa rin ipagdiwang ang nasabing okasyon sa kani-kanilang mga tahanan kabilang din sa mga mahigpit na ipinababawal ni Mayor isko ay ang pagbebenta ng alak sa area ng Binondo at pag-inom sa mga kalye para sa mga Pinoy na residente ng Binondo.

Ayon naman kay MPD Director Police Brig. General Leo ‘Paco” Francisco, round the clock ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa bawat kalye ng Binondo at magpapatupad din sila ng patrolling operations ng mga operatiba ng SWAT Team, TMRU, Mobile Patrol Unit, DPSB, EOD at MTEG. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE