MPD Pinangunahan nina P/Lt. Col. Jonathan Villamor, commander ng MPD Station 5 at P/Maj. Robert Fajardo Paco PCP, ang pag-asiste sa mga senior citizens, PWDs, mga buntis na boboto sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) sa Singalong, Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD: Seguridad sa mga polling precinct maayos

May 9, 2022 Jonjon Reyes 344 views

SINIGURADO ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang seguridad ng mga bumoto sa kanilang mga polling precincts o “presinto” sa Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) sa panulukan ng Singalong at Malvar St., Ermita, Maynila Lunes, araw ng halalan.

Sa pangunguna nina P/Lt. Col. Jonathan Villamor, ang commander ng MPD Station 5 at P/Maj. Robert Fajardo ng Paco PCP, inalalayan nila ang mga senior citizens, PWDs (persons with disabilities), at maging ang mga buntis na botante sa nasabing eskuwelahan.

Katuwang din ang ilang miyembro ng kapulisan, AFP (Armed Forces of the Philippines) Philippine Army, Philippine Marines, BFP (Bureau of Fire Protection) at iba pang mga opisyales ng barangay na nakaposte naman sa mga pilahan o paligid ng EDSES na kabilang rin na pupuntas sa mga polling precincts para bumoto.

Ayon kay Maj. Fajardo, nagsimula silang magbantay bago pa man sumapit ang araw ng eleksyon noong nakalipas na Mayo 2 sa paligid ng eskuwelahan sa kahabaan ng Singalong, Julio Nakpil, Malvar, at Benitez Sts., Ermita.

Umabot sa mahigit 32,000 botante ang nagtungo sa EDSES na kanilang babantayan at sisiguraduhin ang kaligtasan ng mga boboto.

Ayon naman kay P/Lt. Col. Villamor ay magbabantay sila hangang matapos ang eleksyon at bilangan upang maiwasan ang kaguluhan sa mga watchers at supporters ng bawat kandidato at iikutin din ni Villamor ang limang eskuwelahan sa kanyang nasasakupan sa Ermita, Maynila kabilang ang Lucban, Aurora, Araullo, at Zamora.

AUTHOR PROFILE