MPD Bago pormal na buksan ang PhilSys registration ay unang dumalo si Manila Police District (MPD) Director Andre P. Dizon sa isang traditional Monday flag-raising ceremony sa Luneta Park Roxas Boulevard kasama ang mga kawani mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at mga dayuhan kabilang ang mga kababayang Fil-Chinese. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD, PSA nagsagawa ng libreng Nat’l ID registration

September 12, 2022 Jonjon Reyes 146 views

NAGSAGAWA ng Philippine Identification System (PhilSys) free registration ang Philippine Statistics Authority (PSA) umaga nitong Lunes, (Setyembre 12, 2022) sa Manila Police District (MPD) Headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Nagsimula mula 8:30 a.m. hanggang 4:00 p.m. ang pagtanggap ng rehistrasyon hindi lamang para sa kapulisan dahil bukas din ito para sa lahat alinsunod sa Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.

Binuksan din ang programa para sa pamilya ng mga pulis, kamag-anak, o maging kaibigan man mula 5 taong gulang pataas.

Pinaalahanan ang lahat na interesadong magpatala na magdala ng anumang government-issued ID at orihinal na kopya ng birth certificate mula sa local civil registrar o PSA – o kaya ay orihinal na sertipiko ng barangay ay maaaring tatanggapin.

Labis naman na nagpasalamat sa ibinigay na suporta at kooperasyon ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon, kaagapay si District Personel, and Records Management Division Chief P/Col. Samuel Pabonita.

AUTHOR PROFILE