MPD Tagumpay ang year end gift-giving sa mahigit 200 pamilya ng mga opisyal ng Manila Police District Press Corps sa tulong ng mga pulis ng Maynila sa MPD headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.

MPD Press Corps namigay ng ayuda sa 200 na pamilya

December 27, 2024 Jonjon Reyes 229 views

MPD1NASA 200 pamilya ang nabigyan ng ayuda ng Manila Police District (MPD) Press Corps sa Christmas gift-giving kasama ang mga pulis ng MPD at mga Chinese businessmen noong Biyernes sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.

Mga tanod street sweepers ang karamihan sa natulungan ng gift giving sa tulong ng Brixton Hills Fire Brigade sa pangunguna ni Dr. Vincent Chan ng Good Fellow Foundation, Philippines Chinese Chamber of Commerce, P/Col. Salvador Destura Jr., MPD chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay at MPD Press Corps president JonJon Reyes.

Tumanggap ng 5 kilo ng bigas, noodles, biscuits at mga candies ang bawat isa sa 200 beneficiaries.

Layunin ng proyekto na makatulong sa mga kapus-palad ang mga mamamahayag.

AUTHOR PROFILE