Parangal Makikitang pinararangalan ni NCRPO Chief Police Maj.Gen.Vicente D.Danao ng Special Unit Award si MPD Director PBGen. Leo M.Francisco. Kuha ni JON-JON REYES

MPD pinarangalan ng NCRPO ng Special Unit Award

September 26, 2021 Francis Naguit 566 views

Para sa pinakamaraming nahuling MWP

PINARANGALAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Manila Police District (MPD) ng Special Unit Award para sa may pinakamaraming nahuling Most Wanted Persons sa buwan ng Augosto at Septembre 2021.

Tinanggap ni MLD Director Police Brig. General Leo M. Francisco tang nasabing award mula kay NCRPO Chief Police Maj. General Vicente D.Danao Jr. matapos na isagawa ang ika-120th anibersaryo ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, umaga ng September 24,2021.

Ang MPD ay naka-aresto ng mahigit sa 100 na suspek na may mga iba’t ibang kaso at lumabag sa batas.

Ang mga pag-aresto ay naisagawa tulong ng mga station commanders na sina PLt. Col. Cenon Vargas ng MPD Station 1 sa Tondo, PLt. Col. Jun Magno Gallora ng MPD Stn. 2 sa Moriones,Tondo, PLT. Col. John Guiagui ng MPD Stn. 3 sa Sta Cruz, PLT. Col. Gene Licud ng MPD Stn. sa Sampaloc, PLt. Col. Evangelene Cayaban ng MPD Stn. 5 sa Ermita, PLt. Col.Orlando Mirando ng MPD Stn. 6 sa Sta Ana, PLt. Col. Harry Lorenzo III, ng MPD Stn. 7 sa Jose Abad Santos, PLt. Col. Jonathan Robert Rongavilla ng MPD Stn. 8 sa Sta Mesa,PLt. Col. Cristito Acohon ng MPD Station 9, PLt. Col. Dennis Rodriguez, MPD PS 10 sa Pandacan Manila, PLt. Col. Rollyfer Capoquian ng MPD Stn.11 sa Binondo, PLt. Col. Brannon ng MPD Stn. 12 sa Delpan Parola,PLt. Col. Robert Domingo ng MPD Stn. 13 sa Baseco at PLt. Col. Ramon Nazariong MPD Stn. 14.

Kabilang din sa mga may nahuling kriminal sa Maynila ang himpilan ng Special Mayors Reaction Team (SMART-MPD) sa pamumuno ni PLT.Col. Rosalino Jhun Ibay,.

Ayon kay Police Major General Danao, nanguna ang MPD sa pinakamaraming naaresto at nahuling mga kriminal at mga MWP sa unang apat na buwan ng 2021 dahil sa kanilang masigasig at walang tigil na pagsasagawa ng Oplan Saliksik-Pagtutugis at pag sisilbi ng Warrant Of Arrest sa mga akusado.

Kasabay nito ay binigyan ni RD Gen .Danao ng isang Special Unit Award ang MPD na personal namang tinangap ni Brig.General Leo ‘PACO” Francisco upang ialay naman sa kanyang mga kapulisan na walang sawang nagtatrabaho at nanghuhuli sa mga MWP sa kani-kanilang mga areas of responsibility.

Lubos naman ang pasasalamat ni General Francisco sa walang sawang pag suporta ni Maj.Gen Danao at kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa mga Pulis Maynila.

“Ako ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat sa ating mga Pulis-Maynila sa kanilang walang patid na pagsunod sa programa at kampanya kontra kriminalidad, droga,terrorismo at sa pagtugis sa mga pinaghahanap ng batas. Sana ito ay magsilbing inspirasyon at motibasyon sa ating lahat upang ipagpatuloy ang magandang nasimulan,” ani Brig. Gen. Francisco.

Nagpaabot din ng mga pagbati si Moreno at maging ang mga officials at members ng Manila Police District Press Corp (MPDPC) sa pamunuan ng MPD. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE