Journal Group Tinatanggap ni Journal Group senior reporter/columnist Edd Reyes (kanan) ang mga parangal mula kina MPD Director Brig. Gen. Leo ‘Paco’ Francisco at National Irrigation Administration Senior Deputy Administrator Benny Antiporda matapos ganapin ang flag-raising ceremony sa MPD headquarters U.N Ave sa Ermita Manila. Kuha ni JON-JON REYES

MPD pinarangalan Journal Group, editors

April 4, 2022 Jonjon Reyes 247 views

Bilang pagpapasalamat sa pagpapataas ng imahe ng MPD

PINARANGALAN ng Manila Police District (MPD) sa pamamagitan ng plaques of appreciation ang Journal Group pati na mga editors nito na sina yumaong editor-in-chief Augusto ‘Gus’ Villanueva, People’s Tonight (PT) managing editor Ma. Teresa ‘Tess’ Lapuz-Lardizabal at People’s Journal (PJ) managing editor Manuel ‘Manny’ Ces.

Ang parangal ay binigay ng MPD bilang pasasalamat at pagsuporta ng PJ at PT sa kanilang kapilisan at sa napakahalagang kontribusyon ng Journal Groip sa pagpapataas ng imahe ng MPD.

Nagpsalamat ang MPD dahil ipinakita rin ng Journal Group ang tagumpay at pagresolba ng mga kapulisan ng mga krimen nito. Buo rin ang naging suporta ng PJ at PT sa mga programa ng MPD at ng mga opisyal nito.

Sa ngalan nina Villanueva, Lardizabal, at Ces, personal na tinanggap ang mga awards ng beteranong Journal Group senior reporter at columnist Edd Reyes mula kina MPD Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco at National Irrigation Administration Senior Deputy Administrator Benny Antiporda.

Ang parangal ay ginanap sa flag-raising ceremony Lunes, April 4, sa MPD headquarters sa U.N Avenue sa Ermita, Manila. Nina JON-JON C. REYES & EDD REYES

AUTHOR PROFILE