MPD Nagbigay ng mahalagang mensahe si MPD Director PBG Leo M. Francisco sa kanyang mga kapulisan, na paigtingin ang pagbabantay sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar at mag doble ingat ang mga ito, maging ang mga mamamayan ng Lungsod ng Maynila, kaugnay sa lumalalang sitwasyon dulot ng Delta variant na ngayon ay kinatatakutan ng lahat. Ugaliin at panatilihin ang social distancing at laging maghugas ng kamay upang malabanan at maiwasan ang nasabing bagong virus. Kuha ni JON-JON REYES

MPD pinaigting ang pagbabantay sa Maynila dahil sa Delta variant

July 23, 2021 Jonjon Reyes 165 views

Matapos ang malakas na bagyong dumapo sa lungsod ng Maynila, ipinagutos ni Manila Mayor Isko Domagoso Moreno kay Manila Police District chief PBGen. Leo M. Francisco na pag-ibayuhin ang kampanya laban sa lahat ng lumalabag sa mga city ordinance ng Maynila.

Kaalinsabay nito ang pagsugpo sa lahat ng iligal na droga.

Bukod dito, sinabi pa ni Moreno kay Francisco na ipagpatuloy ang “heightened alert” sa lahat ng station command, PS-1 to PS-14, dahil sa lumalalang sitwasyon sa lungsod kaugnay sa problema sa Delta variant na pumasok sa kamaynilaan ayon sa ulat ng Department of Health.

Sinabi ngayon ni Francisco na mag-ingat ang lahat ng mga nasa Maynila.

Bawal na ang 5 hanggang 17 gulang sa mga social gatherings, laro ng basketball at iba pang mga activities na kahalintulad nito.

Dobleng ingat ang kanilang paalala kaugnay sa lumalalang sitwasyon dahil sa Delta variant na ngayon ay kinatatakutan ng lahat. Ni Francis Naguit at Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE