MPD, PDEA nalambat P3.4M shabu sa Sta. Cruz

August 15, 2022 Jonjon Reyes 122 views

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang dalawa umanong hinihinalang “tulak” makaraang makumpiska sa kanila ang ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila Linggo ng hapon.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD Binondo Police Station 11, bandang 2:00 ng hapon nang ilatag ang buy-bust operation ng kanyang mga kapulisan sa pamumuno ni P/Capt. Fredwin Sernio sa isang food chain sa kahabaan ng Bustos St. sa Sta. Cruz, Maynila.

Isang operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kaagapay ang ilang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagpanggap na mga buyer at nang iabot ng isa sa suspek ang umano’y ilegal na droga ay dito na sila sabay na inaresto ng mga kapulisan.

Narekober ang limang plastic sachet ng shabu na aabot sa 500 gramo na aabot sa P3.4 milyon ang halaga.

Dahil dito nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE