Dizon Nagbigay ng paalala si MPD Chief Andre P. Dizon sa kanyang mga kapulisan na laging ilagay sa kanilang puso at isipan ang ‘quality’ na serbisyo para sa mamamayan maging sa kapitolyo ng bansa, ang Lungsod ng Maynila mula sa maayos na pagsuot ng uniporme, pakikitungo sa komunidad bilang alagad ng batas. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD nakahanda sa kilos-protesta

February 1, 2023 Jonjon Reyes 626 views

SINIGURO ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang kahandaan nito sa anumang hakbang ng mga militanteng grupo na maaaring maglunsad ng kilos-protesta kaugnay sa pagbisita sa bansa ni US Department of Defense Secretary Lloyd Austin lll.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng Public Information Office, nakatakda umanong makipagpulong si Austin sa mga opisyal ng militar para sa pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Dahil dito, napag-alaman kay MPD Director Police Brigadier Gen. Andre P. Dizon, na ngayon pa lamang ay nakahanda at nakaalerto na ang buong puwersa ng kapulisan mula sa Station 1 hanggang sa Station 14.

Ayon sa heneral, sisiguraduhin na hindi makakalapit sa US Embassy ang anumang grupo na magsasagawa ng kilos-protesta sa bahagi ng Roxas Boulevard at ilang sangay ng gobyerno sa Metro Manila.

Bukod sa MPD, magbabantay din ang puwersa ng mga tauhan ni NCRPO (National Capital Region Police Office) Director P/Major Gen. Jonnel Estomo para manatili ang seguridad at kaayusan sa posibleng pagdausan ng demonstrasyon.

Nabatid pa sa MPD na paiiralin pa rin ang “maximum tolerance” sa mga magproprotesta at pinapatupad ang “No permit, no rally” sa lungsod.

AUTHOR PROFILE