Francisco

MPD naka-alerto sa mga pista sa Tondo

January 15, 2022 Jonjon Reyes 167 views

Nagsagawa ng pag-iinspeksiyon ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) Headquarters sa pamumuno ni PCol. Nicolas Salvador, Deputy for District Director ng MPD, kaugnay sa paghahanda at seguridad habang dinaraos ang kapiyestahan sa Pandacan at Sto Niño sa Tondo, Manila.

Unang pinuntahan ni Salvador ang Pandacan upang alamin ang sitwasyon at ipaalala ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols. Kahit na walang mangyayaring selebrasyon ay nakaantabay at nakabantay pa rin ang mga kapulisan, sa pamumuno naman ni PLt. Col. Dennis Villanueva Rodriguez, Commander ng Pandacan Police Station.

Kasunod nito ay pinuntahan din ng mga kapulisan ang Moriones, Tondo upang paalalahanan din si PLt. Col. Harry Lorenzo, Commander ng MPD Station 2 sa Moriones, na higpitan ang pagbabantay sa kanilang area of responsibility.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagtitipon-tipon at kumpol-kumpol sa mga nag-iinuman sa kalye, matapos na maglabas ng ordinansa si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng liquor ban sa mga nasabing lugar.

Ayon naman kay MPD Director Leo ‘Paco’ Francisco, naka-alerto ang mga kapulisan ng Maynila 24/7 sa mga panahong ito lalo na ngayon nasa status Alert Level 3 pa rin ang buong National Capital Region kabilang ang Lungsod ng Maynila, at habang ipinagdiriwang ang kapiyestahan ng Pandacan at Sto Niño sa Tondo.

Naka-monitor sa mga kalye ang MTEG para sa mga motorista, maging ang mga PCP sa Dagupan st sa Tondo sa ilalim ni PMSG. Gerry Tubera. Sila ay nakamonitor sa mga CCTV.

Kabilang din sa mga nagpapatrolyang mga kapulisan at mga operatiba ang SWAT, TMRU, DPSB at mga intellegence ng MPD para sa kaligtasan at seguridad ng bawat Manilenyo. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE