Coastal Nagsagawa ng malawakang coastal cleanup drive ang pamunuan ng MPD PS.5 ng Ermita, Manila,kasama SAG,sa pamumuno ni PLt.Col.Leandro Gutierrez, hepe ng nasabing statio,n at Punong Barangay Arlene Divinagracia, chairman ng Station Advisory Group ng Ermita P.S 5. Kuha ni JONJON REYES

MPD nagsagawa ng coastal cleanup drive sa Dolomite Beach

November 27, 2022 Jonjon Reyes 507 views

NAGSAGAWA ng isang malawakang coastal cleanup drive ang pamunuan ng Manila Police District Police Station.5 ng Ermita, Manila katuwang ang kanilang Station Advisory Group sa paumuno ni Police Lt.Col.Leandro Gutierrez, hepe ng nasabing station, at Punong Barangay Arlene Divinagracia, chairman ng Station Advisory Group ng P.S 5,,

Bago pa man pumutok ang haring araw nitong Sabado ng umaga, sinimulan na ng mga tauhan ng MPD Ermita Police Station, katuwang ang mga membro ng SAG,ang paglilinis at pagpulot ng mga basura sa dalampasigan ng Dolomite Beach sa Roxas Blvd.

Tumulong sa paglilinis ang iba’t ibang sektor bilang suporta sa Kasimbayanan Program ng PNP MPD.

Sa pangunguna ng puno ng PS -5 Advisory Council na si Punong Brgy Divinagracia,ng Barangay 696 kasama ang kanyang mga nasasakupan na kumatawan sa LGU ay naisagawa ang clean up drive.

Ang sektor ng edukasyon na kinatawan ni Mrs.Reynora V. Laurenciano, Principal ng Justo Lukban Elementary School at ang kanyang mga kasamang mga guro ay tumulong din sa kampanya.

Tumulong di si Joey Lat. Ivy Tagorosa, S.K Chairman kasama mga kabataan (Youth Sector),ang inyong lingkod Jonjon Reyes, photojournalist ng People’s Tonight bilang media representative.
Mula naman sa kapulisan na tumulong at nanguna din sa paglilinis sa Dolomite beach ay ang Station Police Strategy Management Section Personnel(SPSMS) na sina PEMS Pamelo A Canonoy PSSg Joel M Manabat Patrolwoman Ferry Jean C Aguila PCpl Florie Ann M Matipo Pat Richard A Pageo at Pat Jonathan D Rubio.

Nagsimulang maglinis sa tinaguriang ” Dolomite Beach” bago pa man mag alas 6:00 ng umaga, kasama rin ang Station Advisory Group maging ang mga grupo ng KKDAT , River Warriors, mga Prinsipal at teacher ng Justo Lukban Elementary School, mga kawani ng Department of Public Safety ng lungsod ng Maynila sa pamumuno ni OIC. Kayle Nicole Amurao na siyang pagbibigay suporta ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan at ilang Volunteers,Sa Ermita Police Station 5.

Kasama din sa nag-supervise si Police Major Pidencio Saballo Jr. alinsunod sa direktiba ni MPD- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon na pangalagaan ang Manila Bay lalo na ang Manila Dolomite Beach sa Roxas Blvrd.

Inabot ng halos dalawang oras sng paglilinis sa Dolomite beach. Payapa,maaliwalas at maayos na naisagawa ang programa na kasali sa isunulong ni NCRPO chief, Police Brigadier General Jonnel
Estomo ng Seen Appreciated and Felt Extraordinary for Police Officers ( SAFE)..

AUTHOR PROFILE