MPD nagpatupad ng balasahan ng ilang opisyal
MAS pinagtibay na tungkulin ang gagampanan ng mga dumaan sa isinagawang balasahan ng pitong mataas na opisyal ng Manila Police District (MPD) kamakailan ng director nito na si Police Brigadier General Andre P. Dizon.
Base sa ulat ni Police Major Philipp Ines ng MPD-Public Infornation Office (PIO) nagtalaga si Dizon ng limang bagong station commanders at dalawa naman sa MPD Headquarters.
Mula sa MPD Raxabago Police Station 1, pinalitan ni Police Lieutenant Colonel Willy Fabros si P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. na itinalaga namang commander ng MPD Moriones Police Station (PS) 2 sa Tondo.
Habang si P/Lt. Col. Jonathan Villamor na commander ng MPD Jose Abad Santos PS- 7 ay pinalitan ni P/Lt. Col. Ramon Czar Solas, na dating commander ng Sta. Cruz PS- 3 – kung saan humalili sa kanya si P/Lt. Col. Leandro Gutierrez na hepe nasabing istasyon.
Habang si Villamor ay itinalagang deputy chief ng District Mobile Force Batallon (DMFB) sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Julius Añonuevo, na binakante naman ni Fabros.
Samantalang sa Ermita PS-5 na binakante ni Gutierrez ay hahalili si P/Lt. Col. Gilbert Cruz at sa dating station commander ng Station 2 na si P/Lt. Col. Jorge Meneses ay itinalagang deputy chief ng Directorate for Investigation and Detective Management Division (DIDMD) sa pamumuno ni P/Lt. Orlando Mirando Jr.
Layunin umano ni Dizon at pinaalalahanan na pairalin ang “peace and order, discipline, and professionalism” sa lahat ng hanay ng MPD.
“Ang hiling ko lang sa bawat isa sa atin na miyembro ng Manila Police District (ay) maging larawan tayo ng maayos, matino, magalang at maasahan na isang Pulis Maynila,” ani Dizon.
Dagdag pa ng MPD director, ang mga bagong talaga sa kanya-kanyang assignment ay upang panatilihin pa ang seguridad, pag-igting ng kampanya laban sa krimen at droga.
Nais rin ni Dizon na palakasin pa ang “police visibility” sa lungsod at ipatupad ang disiplina, pakikisalamuha sa bawat isa upang itaas pa lalo ang kalidad ng serbisyo sa mamamayan at kalapit-lungsod.
“For the newly designated station commanders, they have to give and show their best because we are expecting a lot from them in terms of [the] relentless anti-criminality campaign, intensive police visibility, and ensuring that discipline and professionalism are always present under their watch,” pahayag pa ng heneral.
“Mag-focus sa trabaho na dapat maging masigla sa position nila secondary lang po yun sir and give their best para sa community. Temporary po lahat ng position dapat mag-leave tayo ng positive change at good legacy sa bawat unit na dadaanan po natin. They have to make sure that they are worthy of trust and confidence given to them by the PNP (Philippine National Police) and the local government of Manila City,” pahayag pa ni Dizon.
Pinaalalahanan din ng heneral na tiyakin ang wastong paggamit ng mga pondo sa bawat istasyon at PCPs (Police Community Precincts) at palawigin ang ugnayan sa mga barangay at komunidad.
Nagpasalamat si Dizon sa pakikisama at ulong ng iba’t-ibang stakeholders particular na sa pamimigay ng ayuda at community outreach program sa lungsod bilang bahagi ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) na programa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) director PMGen. Edgar Alan Okubo kaakibat sa “5-Focused Agenda” na “Serbisyong Nagkakaisa” program ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Samantala, kapuri-puri ang “patas” sa disiplina at “propesyonalismo” ni Dizon dahil sa kababaan ng loob sa pakikisama sa bawat isa kung saan ang kanyang linya ng komunikasyon at opisina ay lagging bukas sa pagbibigay asiste sa lahat particular na sa nangangailangan na tinuturing “ehemplo” na maaaring tularan ng mga opisyal ng bawat presinto ng pulisya.