MPD Director Police Brig.General Andre P. Dizon

MPD naglunsad ng Barkada vs Droga sa public school

January 29, 2023 Jonjon Reyes 898 views

INILUNSAD ng Manila Police District (MPD) ang Barkada Kontra Droga sa pampublikong paaralan sa Maynila.

PINANGUNAHAN ng tinaguriang ” the Game Changer General” na si Manila Police District Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon paglulunsad sa Aurora Quezon Elementary School Sabado ng umaga sa San Andres.

Sumuporta sa nasabing aktibidad ang mga represenatives ng Department of Education (DepEd) student presidents at mga teacher advisers sa 35 public schools.

Nauna rito, pinaalalahanan ni Dizon ang kanyang mga kapulisan na magbantay sa mga eskwelahan upang hindi maipasok ang mga bawal na gamot at mga armas tulad ng kutsilyo,balisong, baril,o pen gun sa mga bata na papasok sa kanilang mga eskwelahan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information office ( PIO) malaking kahalagahan ang programa upang tahakin ng mga mag-aaral ang tamang landas at umiwas sa bawal na droga.

Nagpaskil din ng impormasyon ukol sa MPD hotline sa bawat entrada o gate ng mga paaralan na siyang maaaring tawagan kung sakaling may emergency situations.

AUTHOR PROFILE