MPD nagdiwang ng 123rd anniv
IPINAGDIWANG ng Manila Police District (MPD) ang 123rd founding anniversary nito sa United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Lunes.
Pinangunahan nina MPD Chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. at iba pang matataas na opisyal ng PNP at local government sa pangunguna ni Manila Mayor Honey Lacuna na guest speaker sa wreath laying ceremony.
Sinabi ni Ibay na ang Manila police force ang pinaka-unang police force sa bansa sa bisa ng proklamasyon ni Governor-General William Howard Taft noong 1901.
Itinayo ang punong himpilan ng MPD bago magsimula ang World War 2 bilang South Police Station.
Isinaayos noong 1949 ang headquarters dahil nasira noong digmaan at naging punong himpilan ng hukbong pampulisya ng Maynila simula noon.
Kinikilala rin ni Lacuna ang pagpapanatili ng kapulisan sa peace and order sa Maynila.