Francisco Pinangunahan ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo ‘Paco’ Francisco ang pagtitipon kasama ang ilang mga pinuno ng Muslim community na ginanap sa Sharief Mansion Covered Court, Quiapo Maynila. Nagkaloob rin ang NCRPO at MPD ng mga food packs sa ilang mga Muslim na residente ng Lungsod ng Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD, Muslim community nagsama sa dialogue, ‘peace covenant’

July 21, 2022 Jonjon Reyes 285 views

NAGLUNSAD ng dialogue at paglagda ng peace covenant ang mga kapulisan at mga kababayang Muslim kasabay rin ng pamamahagi ng food packs (sadaqah) na isinagawa sa isang Muslim community sa Golden Mosque sa Globo de oro, Quiapo, Maynila Miyerkules ng umaga.

Kasama ang mga ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO), at maging ang Manila Police District (MPD) sa isinagawang aktibidad.

Ang naturang pagtitipon ay may kaugnayan sa selebrasyon ng 27th Police Community Relations na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.

Pinangunahan ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo Francisco kabilang ang ilan pang mga opisyal ng NCRPO at station commanders ng MPD sa aktibidad kaagapay din ang ilang mga pinuno ng Muslim community at representante ng mga kababayang Muslim na ginanap sa Sharief Mansion Covered Court, Quiapo.

Ang isinagawang diyalogo at peace covenant signing ay naglalayong pagtibayin pa ang ugnayan at pakikipagtulungan ng kapulisan at ng komunidad ng mga kababayang Muslim para mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at pag-unlad ng pamayanan para na rin mapigilan ang anumang uri ng masasamang gawain, karahasan, at krimen.

Ipinabatid din ng mga Muslim na residente ng lungsod, ang kanilang suporta sa lahat ng programa ng pamahalaan at sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

AUTHOR PROFILE