Dizon OUTREACH–Nagbigay ng pahayag si MPD chief Police Brig Gen. Andre P. Dizon sa mga batang Maynila kaugnay sa isinagawang outreach program na naaayon sa tema ng 28th Police Relations Community Month Celebration. Kuha ni Jon-Jon Reyes

MPD may outreach program sa Manila kids

July 25, 2023 Jonjon Reyes 363 views

MAGSASAGAWA ang Manila Police District (MPD) ng isang malawakang outreach program para sa mga bata sa Maynila.

Namahagi ng mga food kits ang Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila.

Gayundin sa MPD Moriones police station 2 bukod pa sa libreng sakay sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd.

Nagsagawa din ng outreach program sa mga residente ng Manila North Cemetery ang MPD Sta Cruz Police Station 3.

Ayon sa MPD, naaayon sa tema ng 28th Police Relations Community Month Celebration ang malawakang outreach program sa lungsod ng Maynila.

Nagsusumikap ang buong kapulisan ng Maynila na tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang mas kapos-palad, ayon sa MPD.

AUTHOR PROFILE