Francisco (Kaliwa) NCRPO Chief.Police Major General Vicente Danao Jr. at MPD Director Police Brig.General Leo “PACO” Francisco ay pinag-iingat ang publiko laban sa inmates na tumakas sa New Bilibid Prison Maximum Security, madaling araw nitong lunes sa Muntinlupa City. Photo by Jon-jon Reyes

MPD: Maging alerto sa pumugang convicts

January 17, 2022 Jonjon Reyes 225 views

Nanawagan sina NCRPO Chief.Police Major General Vicente Danao Jr.at MPD Director Police Brig. General Leo “PACO” Francisco na mag-ingat ang mga mamamayan ng lungsod ng Maynila laban sa nalalabing convicted “Persons Deprived of Liberty” (PDL) na may mabibigat na kinahaharap na kaso, makaraang tumakas sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security, madaling araw nitong Lunes sa Muntinlupa City.

Dahil dito, nagpalabas na ng “flash alarm” ang Bureau of Corrections (BuCor) laban sa mga suspek.

Sa liham na ipinadalang “flash alarm” sa Manila Police District (MPD), kabilang sa mga tinutugis ngayon ng mga awtoridad sina Arwin Villeza Bio, 35, tubong Javier, Leyte, may kasong murder, attempted murder at hinatulan ng reclusion perpetua ng Paranaque RTC, Br 257; Drakilou Yosores Falcon, 34, tubong Libasgua, San Miguel, Surigao Del Sur, may kasong robbery with homicide at may nakabinbin pang kasong double murder sa RTC Br 68, Camiling, Tarlac. Nanatili silang “remain at large.”

Napatay naman si Pacific Villaruz Adlawan, 49, tubong San Austin Norte, Tandag City, Surigao Del Sur, may kasong frustrated homicide at violation of Sec 15, Art 11, RA 9165 (Drug use) sa ikinasang follow-up at manhunt operation.

Ayon pa kay Gen. Francisco, maaari umanong ipagbigay alam sa BucCor hotline numbers 09178049362, 0918600108 o kaya ay ipagbigay sa pinakamalapit na presinto para sa anumang impormasyon laban sa mga PDLs.

Nabatid sa report na nakatakas sa NBP Maximum Security Compound ang mga suspek, bandang 1:00 ng madaling araw.

Ikinukunsidera umano na armado at mapanganib ang mga tumakas na suspek. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE