MPD isinulong ang ‘Kasimbayanan’ sa 20 barangay sa Maynila
NAGKAISA ang may mahigit sa 20 barangay sa buong sona 80 ng ikalimang distrito sa Ermita at Malate, Maynila matapos na magkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng mga kapulisan sa pamumuno ni Police Lt. Col. Leandro Gutierrez, station commander ng Ermita Police Station (PS) 5 ng Manila Police District (MPD).
Ang programa ay sinimulan nitong Huwebes ng umaga na ginanap sa Barangay 737 sa Ortega Court Mataas na Lupa at F. Munoz St., Malate.
Sa pagitan ng mga dumalong punong barangay, mga kagawad na lumagda sa nasabing MOA upang magkaisa at magtulungan ang bawat pamayanan para sa katahimikan ng buong Sona 80 sa dalawang lugar sa Maynila.
Kabilang din sa mga dumalo at namuno sa programa ay sina P/Lt. Anthony Abundo ng SCAD at PCP (Police Community Precinct) Commander ng Intramuros Police at P/Capt. Joel Guimpatan, commander naman ng Paco PCP MPD PS 5 upang mag bigay suporta at naglunsad ng feeding program para sa mga bata at matatanda.
Ang Kasimbayanan ay layunin ng programa ni MPD Director Brigadier General Andre P. Dizon para sa pagkakaisa ng mga “KApulisan,SIMBAhan PamaYANAN” kung saan kabilang sa mga programa ni PNP (Philippine National Police) Chief Rodolfo Azurin Jr. ang “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (MKK=K Framework).