Default Thumbnail

MPD HQ ni-lockdown dahil sa surprise inspection

January 29, 2023 Jonjon Reyes 278 views

NAKIPAG koordina muna ang grupo ni Police Captain Oliver Macan, ng Integrity Monitoring Enforcement Group ( IMEG) ng NCRFU, kay Manila Police District- Director Police Brigadier General Andre P. Dizon at Police Colonel Raul Tacaca bago nagsagawa ng sorpresang Nationwide Simultaneous Camp Lockdown (OPLAN VISERION) sa loob ng Compound ng MPD – Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, ng Public Information Office( PIO), pasado 8 a.m. nang magsagawa ng sorpresang inspection ang grupo ng IMEG ng NCRPO katuwang ang Highway Patrol Group (HPG) kasama si Police Captain Rustan Cinco at Al Siebert Peco ng MPD- District Investigation Division, Criminal Investigation Section( DID- CIS) at ang mga tauhan nito.

Nakipag-koordina rin ang surprise inspectors kay Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng DID ng MPD.

Ang mga may-ari ng 84 na motorsiklo at 25 sasakyan na pawang mga tauhan ng MPD ang tinilkitan nang madiskubre na may violations tulad ng walang lisensiya o plaka.

Isang civilian at isang pulis ang umano’y lumabag sa batas trapiko at inimpound ang kani-kanilang motorsiklo sa Manila City Hall.

AUTHOR PROFILE