Dizon1 Pinangunahan ni MPD Director Police Brig.Gen. Andre P. Dizon ang bike patrol na nag ikot sa loob ng apat na sementeryo ng Maynila. Kuha ni JONJON REYES

MPD handa na sa Undas

October 16, 2022 Jonjon Reyes 446 views

PLANTSADO na ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Police Brigadier General Andre Perez ang seguridad sa loob at labas ng mga sementeryo sa Maynila sa paggunita ng Undas na gaganapin mula October 28 hangang sa Nobyembre 2..

Mahigit 1,000 kapulisan ang ikakalat sa loob ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery , La Loma Cemetery at Chinese Cemetery.

Ayon kay Police Major Philipp Ines hepe ng Public Information Office na mula sa Raxabago Police Station1, sa pangunguna ni PLt.Col. Rosalino Ibay Jr, at Moriones Police Station 2 sa pamumuno ni PLt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll,ay magtatalaga ng mga checkpoint sa kahabaan ng Road 10.

Ang Sta.Cruz Police Station 3a pangunguna ni Plt.Col. Ramon Czar Solas ay nakatutok sa Manila North mula sa Oct. 38-Nov. 2.

Ang Sampaloc Police Station 4 sa pangunguna ni P.Lt.Col. Paul Jay Doles, at Sta Mesa Police Station 8 sa pamumuno ni P.Lt.Col. Dionnel Brannon ay magbabantay sa kahabaan ng Lacson, RM Blvd patungo sa dangwa at Manila North Cemetery.

Ang Jose Abad Santos Police Station7 sa pangunguna ni P.Lt.Col.Jonathan Villamor ,kasama ang Binondo Police Station 11 sa pangunguna ni P.Lt.Col Rexson Layug ay itatalaga ni Gen. Dizon sa loob at labas ng Chinese Cemetery at Laloma sa Manila North Cemetery.

Sa Manila South Cemetery katulong ang Manila Local Government Unit ay magbabanyay si PLT.Col.Orlando Mirando Jr., ng Sta Ana Police Station 6,kasama ang MPD Malate Police Stn,sa pamumuno ni PLT.Col.Salvador Tangdol.at Pandacan Police Station10 ni PLt.Col.Maria Agbon. Naka-antabay ang Ermita Police Station 5 sa pangunguna ni P.Lt.Col. Leandro Gutierrez.

Samantala alerto sa daungan sa pantalan sa Baseco ang mga kapulisan sa pamumuno ni Police Lieutenant Col. Rodel Borbe ng Baseco Police Station13, P.Lt.Col. Restito Acohon ng Delpan Police Station 12, at PLt.Col.Ramon Nazario ng MPD Station.14.

Sa buong lansangan ng Maynila, nagtalaga si General Dizon ng mga kapulisan na kinabibilangan nina Police Major Edward Samonte ng Special Mayor’s Recreation Team ( SMaRT) , ang grupo ng District Mobile Force Batallon sa pangunguna ni P.Col.Julius Anoñuevo , mga miyembro ng SWAT , TMRU , ang mga mobile unit ,ang grupo ng MPD intelligence Division , at ang mga traffic Enforcer sa pangunguna ni Police Major Anthony Olgado.

Ayon pa kay Major Ines, sila ang itinalagang bantay sa lansangan para sa siguridad din ng mga motorista na magtutungo sa Southern Tagalog at sa Norte.

AUTHOR PROFILE