MPD Ipinaliwanag ni MPD Chief PCOL. Arnold Thomas Ibay kay NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ang isasagawang Oplan Ligtas Paskuhan bilang parte ng security plan ngayong Kapaskuhan. Kuha ni JON-JON C. REYES

MPD handa na sa Simbang Gabi; Oplan Ligtas Paskuhan ikinasa

December 14, 2023 Jonjon Reyes 272 views

MPD1HANDA na ang buong pwersa ng Manila Police District (MPD) sa seguridad para sa nalalapit na pagsasagawa ng simbang gabi sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Chief Director Police Colonel Arnold Tom Ibay, magsasagawa ng Oplan Ligtas Paskuhan bilang parte ng security plan ngayong panahon ng kapaskuhan.at maging ang nalalapit na traslacion sa Simbahan ng Quiapo,.

Sinabi naman ni PIO Chief PMaj.Philipp Ines, partikular na tututukan ng MPD ang mga malalaking simbahan sa Maynila tulad ng Quiapo Church, Manila Cathedral, Sto. Niño Church sa Tondo, San Agustin Church,San Sebastian Church at iba pa. Sila ay magtatalaga ng mga Foot patroling kabilang ang mga Motorcycle at Mobile patrol sa bawat Paligid ng mga simbahan.

Ang mga maliliit na simbahan o kapilya naman ay iikutan at imomonitor ng MPD Mobile Patrol Group katuwang ang mga opisyal at tanod ng barangay na nakakasakop sa mga bawat lugar.

Papaigtingin rin ng MPD ang police visibility katulong ang mga tanod upang maiwasan ang kaguluhan, mga riot ng mga kabataan at mga hindi inaasahang insidente sa bawat araw ng Simbang Gabi.

Bukod sa mga simbahan, babantayan rin ng MPD ang mga pasyalan, mga mall, Divisoria at iba pang matataong lugar bilang bahagi ng Oplan Ligtas Paskuhan kung saan pinapayuhan naman ang publiko na maging mapagmatayag, mag-doble ingat at kung may mga kahina hinalang tao o bagay ay agad na ireport sa mga kapulisan ng Maynila.

AUTHOR PROFILE