MPD Director Francisco ginawaran ng parangal ng NCRPO
ISANG pagkilala ang ibinigay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga kapulisan ng Maynila na tinaguriang “Manila’s Finest” ng Manila Police District (MPD) at sa iginawad na parangal sa pamumuno ni MPD Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, Lunes Agosto 1, 2022.
Ang pagkilala ay nagmula kay NCRPO chief P/Maj. Gen. Felipe Natividad sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ni Francisco bilang commander ng STG (Special Task Group) Manila para sa pinaigting na seguridad at kaayusan sa pagdaos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. nitong Hulyo 25, 2022.
Ang parangal ay dahil sa naging maayos, ligtas, at mapayapa ang ipinatupad na “peace and order” sa mismong araw ng SONA sa Batasang Pambansa sa Commonwealth Quezon City, na pinamunuan ni Francisco.
Ginanap ang awarding sa culminating ceremonies ng 27th Police Community Relations Month Celebration sa NCRPO, Camp Bagong Diwa, Taguig City.