Francisco

MPD cops sumailalim sa random drug test

November 25, 2021 Francis Naguit 355 views
Ines
MPD PIO Chief P/Capt. Philipp Ines
Photos by JON-JON REYES

SUMAILALIM sa random drug test ang mga miyembro ng Manila Police District Station 4 (MPD-4) Sampalo ngayong Huwebes.

Isinagawa ang drug testing sa MPD Headquarters Quadrangle sa umaga kung saan maagang pumila ang mga kapulisan upang kumuha ng vial para sa kanilang urine samples.

Ayon sa tagapagsalita ng MPD na si PIO Chief Capt. Philipp Ines, ang aktibidad ay bahagi ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig Gen.Leo “Paco” Francisco upang malaman at maalagaan ang kalusugan na mga kapulisan at maiwasan ang masamang bisyo tulad ng droga.

Ayon pa kay Francisco, ito ay palagi nilang ginawa sa iba’t ibang station sa lungsod ng maynila.

Isinagawa ang random drug test sa mga kapulisan ng MPD nitong nagdaang mga buwan at negatibo naman lahat ang naging resulta.

Sinabi naman ni Ines na umabot sa 184 na kapulisan “in rank’ ang sumailalim sa nasabing random drug test. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE