Francisco Binibigyan ng instruksiyon ni MPD Director PBGen. Leo ‘Paco’ Francisco (kaliwa) si PLt.Col. Jonathan Villamor, MPD Starion 5 commander, kaugnay sa pagpapatupad ng clearing operations. Kuha ni JON-JON REYES

MPD chief Francisco tuloy ang inspection sa Manila police stations

May 27, 2022 People's Tonight 549 views

HALOS araw-araw ang ginagawang pag iikot ni MPD Chief Police Brig.Gen. Leo ‘Paco’ Francisco sa 14 police stations sa Lungsod ng Maynila..

Inikot ni Francisco ang San Andres Bukid PCP, Dagonoy PCP, Punta PCP, Penafrancia PCP at Beata PCP sa Pandacan Manila kung saan muli nitong ipinaalala at pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad at pagpapanatili ng kalinisan sa bawat opisina.

Personal ding nagtungo si Francisco sa Ermita Police Station, Paz PCP, Paco PCP, Remedios PCP at Plaza Miranda PCP upang paalalahanan din ang mga ito hinggil sa pagpapatupad ng clearing operation sa illegal vendors.

“Ang MPD Team ay buong sumusuporta kay Pangulong Bongbong Marcos at Pangalawang Pangulong Sara Duterte na pinili at hinalal ng taong-bayan noong nakalipas na halalan. Asahan nyo po na gagawin at gagampanan ng Manila Police District ang aming mandato sa abot ng aming makakaya,” ani Francisco.

AUTHOR PROFILE