Dizon BE SAFE–Nagbigay mensahe si Brig. Gen. Andre P. Dizon sa mga guro ng Araullo High School na kailangan maging aware at makipag cooperate ang parents at teachers para sa mas mabisang pag monitor ng mga estudyante. Nakamasid sina Police Lt. Col. Gilbert Cruz at Police Capt. Wilbert Aticao habang nagbibigay mensahe ang heneral. Kuha ni Jon Jon Reyes

MPD chief dumalo sa Brigada Eskwela

July 31, 2023 Jonjon Reyes 433 views

PINANGUNAHAN ni Manila Police District Director Police Brig. General Andre Dizon ang isinagawang Brigada Eskwela 23 na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan Tara Mag Brigada na tayo” na ginanap sa Araullo High School sa United Nations Ave, Manila Lunes ng umaga.

Ayon sa MPD chief, nagsimula na silang magdikit ng mga police hotline sa mga gate entrance at pader ng mga eskwelahan para madaling makatawag ng tulong ang paaralan sa pulisya.

Pwede rin silang mag post ng mga videos at mga photos sa nasabing police hotline dahil aniya may Q.R Code na kasama sa nasabing stickers.

May bike patrol din sa umaga ang mga pulis na nag-iikot sa mga eskwelahan sa lungsod.

Pinaalalahanan ni Dizon ang mga guro ng Araullo High School na kailangan maging aware upang maging ligtas ang bawat isa at maiwasan ang paglaganap ng mga Illegal na droga at cyber crimes.

AUTHOR PROFILE