MPD-3 handa na sa Simbang Gabi, Pasko; CCTVs ikinabit na sa Quiapo

November 29, 2021 Francis Naguit 99 views

NAIKABIT na ang mahigit sa 50 pirasong CCTV sa paligid ng Simbahan ng Quiapo bilang paghahanda ng mga miyembro ng Plaza Miranda PCP-MPD Station 3 sa nalalapit na Simbang Gabi at Kapaskuhan.

Pinangunahan ni Police Capt. Jervies Soriano, hepe ng Plaza Miranda PCP, ang pagmomonitor sa pagkabit ng mga CCTV.

Kabilang sa kinabitan ng mga CCTV ang kahabaan ng Quezon Blvrd, Villalobos,Hidalgo, Carriedo, CM Recto Globo De Oro, Evangelista,at ang Palanca sa Sta Cruz. Manila.

Ayon kay Soriano, katulong niya ang mga punong barangay sa pagpapakabit ng mga CCTV. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili at magsisimba sa nasabing lugar.

“Ngayong nalalapit na ang Simbang Gabi at Kapaskuhan, 24/7 kaming magbabantay at magsasagawa ng patrol at checkpoint operations,” ani Soriano.

Pinuri naman ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo M. Francisco ang kanyang mga kapulisan sa Plaza Miranda PCP dahil sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga mamamayan ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng CCTV project. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE