MPD-11 natunton frustrated murder suspect sa Pangasinan

April 24, 2022 People's Tonight 66 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District- Binondo Police Sration 11 ang isang 28 anyos na lalaking frustrated murder suspect matapos matunton ito Sabado ng umaga sa Barangay Laois, Labrador, Pangasinan.

Kinilala ni P/ Lt Col.Magno Gallora Jr., MPD- Station 11 commander ang suspek na si Johary Solaiman, binata, ng Islamic Center, Quiapo, Manila..

Ayon sa ulat ni P/ Capt.Fredwin Sernio, PCP commander at chief ng Intelligence section ng MPD-11, nagsagawa sila ng operation laban sa suspek kasama ang mga tauhan ng 4th MFC ng Regional Mobile Force Batallon na pinangunahan ni P/ Major Ronilo Aquino at nagtungo sila sa Barangay Laois pasado alas 8 a.m.bitbit ang arrest warrant.

Ang warrant ay inisyu laban sa suspek ni Judge Mary Jane Dacara- Buenaventura, ng RTC Branch 43 ng San Fernando Pampanga, na may petsang Oktubre,22, 2021 para sa kasong frustrated murder.

Kabilang din si Solaiman sa top three na wanted persons sa MPD station level. Ito ay sinasabing unang nagtago sa Pampanga. Noong nakalipas Abril 21 hanggang 24 ay nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ang pulisya kaya nakakuha sila ng arrest warrant laban sa suspek.

Isang pasasalamat at pagbati naman ang iginawad ni MPD Director PBGen.Leo PACO Francisco sa kanyang mga kapulisan sa Binondo dahil sa walang sawang paghahanap ng mga lumabag sa batas.

AUTHOR PROFILE