Default Thumbnail

Motorsiklo sumalpok sa poste, rider dedo

August 22, 2022 Melnie Ragasa-limena 204 views

DEAD on the spot ang hindi pa nakilalang rider makaraang mabangga sa bangketa ang minamanehong motorsiklo at sumalpok sa bakal na poste ng ilaw sa Quezon City, Linggo ng umaga.

Ang hindi pa nakilalang biktima ay sakay ng Yamaha NMAX na may MV file no. 1380-1163421.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 6, bandang 1 a.m. August 21) nang maganap ang aksidente sa Congressional Ext. kanto ng Tandang Sora Ave. Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Romeo A Birog Jr., ng QCPD Traffic Sector 6, sakay ng motorsiklo ay binaybay ng biktima ang kahabaan ng Congressional Ext. galing Luzon Ave. at patungong Visayas Ave., sa lungsod.

Pero pagsapit sa nasabing lugar ay nawalan ito ng kontrol at nagpagewang-gewang ang motorsiklo saka bumangga sa gutter, hanggang sumalpok pa sa bakal na poste ng ilaw.

Sa lakas ng imapak ay tumilapon ang rider sa bangketa at bumagok ang ulo sa semento sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyaring aksidente.