Dead NAKAHANDUSAY pa ang biktimang si Jennifer Bulong Naorbe, 45, matapos masagasaan ng truck sa kahabaan ng Taft Ave, Pedro Gil St., Ermita Manila, habang sugatan naman ang rider na si Nonie Luig Delelamon bago dinala sa malapit na hospital ang mga biktima. Photo by Jon-jon Reyes

Motorsiklo nahagip ng truck, back ride patay

January 17, 2022 Jonjon Reyes 300 views

DEAD on arrival sa pinagdalhang pagamutan ang isang 45 anyos na angkas sa motorsiklo, habang sugatan ang driver nito nang masagi ng tractor head na may hatak na trailer truck sa kahabaan ng Taft Avenue corner Pedro Gil St., sa Malate, Manila Linggo ng tanghali.

Nakilala ang biktimang si Jennifer Bulong Y Naorbe, residente ng 43 Sta. Maria Holy Spirit, Quezon City.

Sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Nonie Luig Y Delelamon, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property ang driver na si Randy Villadarez Y Ignacio ng 471 Moronquillo, San Rafael, Bulacan.

Base sa ulat ni P/Cpl.Ron Henry Gemzon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, pasado alas 11:55 ng tanghali, nang maganap ang aksidente sa Southbound lane ng Taft Avenue at Pedro Gil St. sa Ermita, Manila.

Nabatid sa imbestigasyon ni P/Cpl.Gemzon, may hawak ng kaso, magkasabay na tinatahak ng motorcycle rider na si Luig at ang driver ng tractor head na si Villadarez sa Southbound ng Taft Avenue, nang masagi ang kaliwang unahan ng motorsiklo sa kanang bahagi ng likuran ng Hyundai Tractor Head na may trailer (NBS 6908)

Tumilapon ng ilang metro ang layo ng biktima at nabagok ang ulo nito sa sementadong kalsada.

Mabilis itong naisugod sa Philippine General Hospital (PGH) may ilang metro ang layo sa insidente, subalit idineklara itong dead on arrival, habang ligtas naman sa nasabing aksidente ang rider na si Luig. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE