Default Thumbnail

Motor vs motor: Parak tepok

December 9, 2023 Jojo C. Magsombol 342 views

PATAY ang isang pulis na naka-motor nang tumbukin ang sinasakyang motorsiklo ng kapwa motorsiklo sa Brgy. Tulo, Taal, Batangas noong Biyernes.

Nakilala ang namatay na si PCMS Simeon De Leon, 44, miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nakadestino sa Taal Municipal Police Station (MPS) at residente ng Bgy. Tulo, Taal.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-6:40 ng gabi tumatakbo sa national road si De Leon sakay ng kanyang motor nang aksidenteng mabangga ng Yamaha Sniper motorcycle (2030 MW) na minamaneho ng 27-anyos na residente ng Calumala, Sta. Teresita, Batangas.

Tumilapon ang dalawang rider sa lakas ng banggaan at duguan nang lumagpak sa kalsada.

Nagtamo ng maraming mga sugat sa magkaibang bahagi ng katawan si De Leon at ang nakabangga, ayon sa report.

Isinugod ng mga nakasaksi sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery, Batangas para gamutin ang dalawa pero idineklarang dead-on-arrival ang pulis, ayon sa attending physician na si Dr. Divine Landicho.

AUTHOR PROFILE