Mother Lily namaalam din kasunod ni Father Remy
BUSINESSMAN Father Remy Monteverde (86), loving husband of Regal matriarch, ang film producer and industry icon na si Mother Lily Monteverde was laid to rest last Saturday, August 3 at the Heritage Memorial Park in Taguig City.
Matapos ihatid si Father Remy sa huling hantungan ay sumunod namang pumanaw si Mother Lily kinabukasan ng umaga, August 4, fifteen days short sa kanyang 86th birthday. Nakakalungkot ang balitang ito at tiyak na libu-libo ang naluluha sa pangyayaring ito, kasama na kami.
Mother Lily was a well-loved and an industry icon who started producing movies in the early `70s.
Because she treats her people (production people, writers, directors and talents at lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya)just like her own children and family, she earned the tag as Mother Lily, isang titulo na buong puso niyang in-embrace hanggang sa kanyang paglisan. Mother Lily ang tawag sa kanya ng lahat be it sa loob at labas ng showbiz.
We remember Mother Lily telling us that she started out as a fan at mahilig umano siyang manood ng mga local films. There were even times na nanonood siya ng shooting ng kanyang mga paboritong artista noon sa bakuran ng Sampaguita Pictures.
Ang pagkahilig ni Mother Lily sa showbiz ang siyang nagbunsod sa kanya na pasukin ang pagpu-produce ng pelikula. Nakilala rin ang Regal Entertainment (Regal Films noon) sa pag-sign-up ng mga baguhang artista na bini-build-up ng kanyang kumpanya at dito nabuo ang Regal Babies nung dekada otsenta na kinabilangan nina Lorna Tolentino, Alma Moreno, Maricel Soriano, Snooky Serna, Carmina Villarroel, Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion, William Martinez, Albert Martinez, the late Alfie Anido, Zoren Legaspi at napakarami pang iba.
Regal Entertainment must have produced more almost 400 films at kasama na rito ang maraming klasiko at award-winning movies tulad ng “Sister Stella L.,””Broken Marriage,” “Relasyon,” “Bilangan ng Bituin sa Langit,” “Pahiram ng Isang Umaga,” “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita,” “Sabel” ar marami pang iba.
Ang Regal Entertainment din ni Mother Lily ang nagpasimula ng series ng “Shake, Rattle & Roll” at “Mano Po” na madalas kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.
Nung kalakasan pa ni Mother Lily at ng Regal Entertainment, she would host for a yearly Christmas party for the entertainment media bukod pa sa Christmas birthday celebration ng kanyang mister na si Father Remy whose birthday falls on Christmas Day. Isa ring espesyal na okasyon ang birthday celebration ni Mother Lily tuwing sumasapit ang August 19.
Kilala si Mother Lily hindi lamang sa loob ng industriya. Kilala rin ito sa pagpapakita ng kanyang suporta sa mga public servants na kanyang pinaniniwalaan.
Si Mother Lily lamang ang isa sa mga film producer na tuluy-tuloy ang pagpu-produce ng pelikula kahit ang iba rito’y hindi kumikita sa takilya. Ganoon kasi niya kamahal ang industriya.
Nang magkasakit si Mother Lily ay doon lamang nag-slow down sa pagpu-produce ng pelikula ang Regal Entertainment na pinamumunuan ngayon ng isa sa kanyang mga anak na si Roselle Monteverde.
Bukod kay Roselle, iniwan ni Mother Lily ang iba pa niyang mg anak na sina Meme, Dondon at Goldwin, children-in-laws at mga apo and great grandkids.
Ang aming taos-pusong pakikiramay mula sa amin dito sa People’s Journal.