Most wanted sa Ermita timbog

September 2, 2021 Francis Naguit 148 views

ISA na namang pinaghahanap ng batas ang nasukol ng mga operatiba ng Ermita Police Station Huwebes ng umaga.

Kinilala ang akusado na si Jonnard Dela Cruz, 24, binata at residente ng 1313 Interior 10 San Andres Bukid, Manila at itinuturing na Top 9 Most Wanted Person sa station level.

Sa ulat ng MPD, isinilbi ng mga tauhan ng Intelligence Section and Station Warrant Subpoena ang warrant of arrest ng nasabing suspect.

Isang warrant of arrest laban sa akusdao parasa kasong robbery ang na inisyu ni Judge Roberto P. Quiroz ng RTC BR 29.

Nakakulong ngayon sa custodial facility ng Ermita Police Station 5 ang akusado. Ni FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE