Most wanted person ng MPD-Station 7 arestado

July 14, 2021 Jonjon Reyes 128 views

MULING naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturing na most wanted person ng MPD- Station 7.

Madaling araw ng Martes nang madakma si Willy Boy Centeno , 31, tricycle driver, at residente sa Daang Bakal, Tondo, Maynila sa busa ng warrant of arrest .

Ayon sa MPD, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement ang mga tauhan ng Station Warrant & Subpoena Section sa pangunguna ni PCPT Darwin Serna sa lugar upang isilbi ang arrest warrant laban sa akusado.

Inisyu ni Judge Cynara Hannah L. Cayton, ng RTC Branch 8, Manila ang warrant para sa kasong murder laban kay Centeno.

Kasalukuyang nakadetine sa PS-7 Custodial Facility ang akisado habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang warrant of arrest at commitment order mula sa korte. Jon-Jon Reyes & Francis Naguit

AUTHOR PROFILE